Kamusta, ako si Humi. Sa video na ito, pag-uusapan natin kung ano ang mga pagbabagong naranasan ng Pilipinas at ng mundo noong 19th century, na direktang nakaapekto sa paghubog ng pagkatao ni Rizal. Natanong mo na ba sa sarili mo kung paano ka naging ikaw?
Ang pagkatao natin ay hindi lang dine-define ng genetics, but by a multitude of experiences and events that are interwoven throughout our lives. Hindi lang iisa kung hindi maraming factors ang humubog at patuloy na humuhubog sa pagkatao mo. Kung medyo naguguluhan ka, ihalintulad natin siya sa isang jigsaw puzzle.
Dito, ang mga pieces ay yung experiences at events na nangyari sa buhay mo, at kapag pinagsama-sama natin sila, makakabuo ito ng isang larawan. At ang larawang yun ay ikaw. May mga factors na kaya mong kontrolin, tulad ng pag-decide kung mag-iipon ka ba, kung trip mo bang mag-exercise, o kung trip mo bang mag-aral kesa magbabad sa social media.
Yung ibang factors naman ay beyond our control. Tulad ng mundong kinagisnan natin. Kung pinanganak ka bang mayaman?
Kung mapagmahal ba ang pamilya mo? Kung sino ang mga nasa paligid mo? Kung anong mga events ang nangyayari sa mundo?
Kung saan ka nakatira? Kung anong generation ka? Kung maganda ba lahi niyo?
at marami pang iba. Lahat ng factors na 'yan, may kinalaman kung paano ka naging ikaw. Pumunta tayo kay Rizal.
Si Rizal, pinanganak at lumaki siya noong 19th century. And he grew up amidst the Philippines' struggle for independence and the shifting social, economic, and political landscape of the time. At ang mga pagbabagong 'yun ay nag-contribute para ma-develop ang perspective niya sa buhay.
Para mas maintindihan natin kung paano naging Rizal si Rizal, balikan natin kung ano ang nangyayari noong 19th Century. Anu-ano ba itong mga pagbabagong ito, in terms of economic, social, cultural, at political landscape, na humubog sa kanya, sa kaniyang pamilya, sa Pilipinas, at sa Mundo noon? So 19th Century.
Ang 19th Century ay tinatawag ng ilan na birth of modernity. Bakit? Kaya siya tinawag na birth of modenity ay dahil in-emphasize ng era na ito ang pag-break natin sa mga traditional ways of life para sa emergence ng mas modern o new ideas, attitudes, at institutions Kung dati, monarchy.
Ngayong 19th century, democracy. Kung dati, feudalism. Ngayon, capitalism.
Kung dati, passively-accepting. Ngayon, reform-minded. Tinawag rin ang period na ito na parte ng Age of Revolution.
Bakit? During this time, nangyayari ang Industrial Revolution. Nagkaroon ng mga bagong modes of production, transportation, at communication, na nagresulta para mag-transform ang ekonomiya dahil nag-shift ang mundo mula sa manual labor papuntang machine-based production.
This transformation of the economy and society resulted in new forms of work and leisure, as well as urbanization and the growth of cities. Nagkaroon din ng mga political revolutions noong late 18th at early 19th century. Nandiyan ang American Revolution, at itong nasa screen mo na French Revolution, which were both heavily influenced by the Enlightenment, a philosophical movement that valued reason, rationality, and individualism.
Ang mga political revolutions na ito ay humamon sa kapangyarihan ng monarchy at nag-pave ng way sa mga bagong form of governance na naka base sa individual rights, nationalism, at freedom. Linawin ko lang na nangyari itong dalawang political revolution na'to noong late 18th century. Pero malaki ang influence nila, na achievable pala ang ganitong sistema, na nagbukas ng pintuan para sa marami pang revolution na nangyari noong 19th Century.
The 19th Century encompasses a new way of thinking about the world and one's place in it, characterized by an increased focus on individualism, rationality, and the belief in progress and the ability to shape the world through scientific, technological, and social advancement. Noong 19th century rin, habang lumalakas ang iba't ibang lugar sa Europa, tulad ng Britain, salamat sa Industrial Revolution, at France , salamat sa French Revolution, humihina naman ang estado ng Spain. Bakit humihina?
Tignan natin ang *economic condition nila during this period. At I think mas lalo natin 'yang maiintindihan kung babalik pa tayo ng ilang centuries. Noong panahon na hindi pa tayo sinasakop ng mga Kastila.
Bago pa man tayo masakop ng mga Kastila, nakikipag-trade na tayo sa iba't ibang mga karatig nating bansa. Tulad ng China, Japan, Thailand, Cambodia, India, Borneo, Spice Islands. .
. Noong sinakop na nila tayo, nakita ng Spanish crown ang opportunity para kontrolin at pagkakitaan ang kalakalan na ito. At hindi lang 'yun.
Ginawa nila itong isang government monopoly. Sinarado nila lahat ng ports ng Maynila sa lahat ng bansa at lugar, maliban sa *Acapulco, Mexico. Bakit bukas pa rin sa Mexico?
Dahil at that time, ang Mexico ay parte ng Spanish Empire. At gino-govern ng Spain ang Pilipinas from Mexico. Dahil colony ng Spain ang dalawang bansa, ang Spain ay may exclusive control over the trade route and the goods that were traded.
From that point, nabuo ang Manila-Apaculco Trade. O baka mas familiar ka sa isa nitong pangalan, ang Galleon Trade. Ang galleon ay yung tawag sa ship na ginamit sa pakikipagkalakalan.
Throughout centuries, ang Manila ang naging center of commerce sa East. *Nagpapadala sila ng kung ano-anong bagay. Papuntang Apaculco, may chinese silk, may tuba, may fireworks, may kalabaw, iba't ibang textile, perfume, precious stones… Tapos pabalik naman, may dala silang iba't ibang flora at fauna tulad ng guava, avocado, papaya, pinya, kabayo, baka….
In short, naging mercantilist superpower ang Spain. Pero hindi sila habangbuhay naghari. Bakit?
Isa pa, ang Spain ay heavily dependent sa silver mines ng mga colonies nito sa South America At nauubos ang mga ito. Kung wala silang makukunan ng yaman, wala silang pagkakitaan. Also, tumaas ang production ng silver sa America, at dahil *SOBRANG daming supply, ang halaga ng silver ay bumaba.
At higit sa lahat, nagkaroon ng War of Independence ang Mexico. Nagkaroon ng revolt ang Mexico sa Spain, thus shifting the focus and priority of consumers away from the trade. Kaya noong unang dekada ng 19th century, dahil hindi na sustainable ang kalakalan, tuluyang nahinto ang Kalakalang Galleon.
Dahil nahinto na ang Kalakalang Galleon, the Philippines needs a commercial purpose. Salamat na lang at maraming economic opportunities dahil sa Industrial Revolution. Kaya naman, ang Pilipinas ay binuksan sa world commerce.
Nagtransition tayo bilang isang supplier ng mga raw materials sa mga industries ng West. Ginamit natin ang ating underutilized na land resources at nag-venture tayo into a cash crop agriculture. Kung dati, nagtatanim lang tayo para sa ating mga sarili, pagdating ng 19th century, nagtatanim tayo para supplyan na ang ibang mga bansa.
Nag-invest dito ng capital ang British, Dutch, at mga American trading companies para sa large-scale production ng iba't ibang products, tulad ng tobacco at sugar. Para mas mapadali ang mga transactions, ang mga foreign investors ay kailangan ng tulong mula sa mga tao na nasa Pilipinas. Dito pumasok ang mga Chinese, mestizo, at mga mayayamang natives.
Ang mga Chinese immigrant ay nag-serve as the middlemen between sa provinces, kung saan tinatanim ang mga products, at sa mga merchant houses ng mga mestizos sa Manila. Ang mga mayayamang natives naman ay naging mga tenant o Inquilino sa Spanish. Ganito ang ginagawa ng mga Inquilino.
Inuupa nila ang mga malalaking hacienda sa mga prayle. Ang inupa nilang 'yon, ipa-partition nila at ipapaupa ng mas mura sa mga indigenous farmers. Noong inopen ang Suez Canal, isang artificial sea-level waterway, the distance of travel between Europe and the Philippines was considerably shortened.
Kung dati inaabot pa ng tatlong buwan, ngayon forty days na lang. (salamat sa railways at steamships) Hindi makakaila na malaki ang epekto sa atin ng Industrial Revolution. Binuksan tayo sa world commerce.
Foreigners were engaged in manufacturing and agriculture. Ang economy natin ay dynamic at balanced. There was rise of new influential and wealthy Filipino middle class.
People were encouraged to participate in the trade. And migration and increase in population were encouraged. Noong 1825, ang total trade lang ng Pilipinas ay 2.
8 million pesos. Pero pagdating ng 1875, 31. 1 million na ito.
At nagdoble pa ;yan pagdating ng 1895. You may be wondering, anong kinalaman nitong mga pinagsasabi ko kay Rizal? Dahil maganda ang ekonomiya, nagsiyaman ang mga Inquilino.
At kasama sa mga yumamang Inquilino na ito ay ang pamilyang Mercado, sa father side ni Rizal. Tignan natin kung gaano sila nakinabang sa economic progress na ito. During mid-eighteenth century, noong panahon ni Domingo Lam-co, ang Chinese ancestor ni Rizal, ang average na hawak ng isang Inquilino ay halos tatlong ektarya lamang.
Pero pagdating ng 1890's, After Rizal's father had moved to the Calamba hacienda, halos 400 hectares na ang hawak ng pamilya ni Rizal. The family Mercado became one of the most affluent family in Calamba. At hindi lang sa father side, mayaman din ang mother side ni Rizal.
E ano ngayon kung mayaman sila? Well, dahil mayaman sila, kaya nilang mamuhay ng komportable at higit sa lahat, kaya nilang pag-aralin ang kanilang mga anak. Ang edukasyon, aminin man natin o hindi, ay isang status symbol.
During this time (up until mid-19th century), halos mga mayayaman at may dugong Kastila lang ang nakakatamasa na mag-aral sa isang college o university. 'Yung bang mga nasa tuktok ng hierarchy. Para mas maintindihan natin kung bakit education is such a luxury during this period (until mid-19th century), magandang i-check natin ang racial hierarchy noong 19th Century.
Sa pinakatuktok, nandiyan ang mga Peninsulares o ang mga pure-blooded Spaniard na ipinanganak sa Iberian Peninsula, tulad ng Spain. Sila yung mga officials at mga prayle, at sila lang ang may kapangyarihan at authority na mamuno sa Pilipinas. Sa baba ng mga Peninsulares, nandiyan ang mga Insulares o ang mga Creoles.
Ang mga Insulares ay parang Penisulares lang din. 100% na may dugong Kastila. Ang pinagkaiba lang, ang mga Insulares ay hindi pinanganak sa Spain, kung hindi sa Pilipinas.
So kung ang tatay at nanay mo ay 100% pure-blooded Spaniard, pero pinanganak ka naman dito, hindi ka pwedeng tawaging isang Peninsulares. Sa baba ng mga Insulares, nandiyan ang mga Mestizos. Kapag sinabi nating Mestizo o Tisoy, ang ibig sabihin nito ay ikaw ay mixed.
Kunwari, ang tatay mo ay native Filipino pero ang nanay mo ay isang Spaniard o kaya ay Chinese. Sa pinakababa ng hierarchy, nandiyan ang Native Filipinos at ang mga Indio. Dahil nasa baba tayo, mababa ang pagtingin sa'tin ng mga Kastila.
(derogatory term used by Spanish officials; it has lost its original meaning on their hands) Kung mapapansin mo, malaki ang kahalagahan ng Spanish blood noong Spanish era. Highly valued. Para sa mga mata ng mga officials sa Kastila, kapag ikaw ay pure-blooded, mas superior ka sa kahit sinong Filipino.
And as Spanish blood disappeared, so did all the privileges that came with it. Kung titignan natin, ang mga Insulares ay 100% Kastila pa rin naman. Pero dahil lang pinanganak sila sa Pilipinas, mas mababa sila sa racial caste system.
Ayon sa mga Peninsulares, ang Pilipinas ay isa lamang dumping ground for misfits and dregs of society, and to be born in such a place lowered their racial status. Kahit ang pinaka-bobong Kastila, as long na Kastila, titingilain pa rin siya. Dahil kahit may katiting na patak ka lang na Indio blood, sa mata ng mga Kastila, hindi ka nila magiging kapantay.
Dahil maliit lang ang pagtingin ng mga Kastila sa mga Filipino, hindi nila ito binibigyan ng kahit kaunting respeto sa pagkatao. At kabilang dito ang access sa edukasyon. They associated us with ideas of backwardness, primitiveness, and inferiority.
Dahil hindi binibigyan ng oportunidad, (likely) hindi madaling makapag-aral ang mga nasa baba ng hierarchy sa kolehiyo. Pero kung kasing yaman mo naman ang pamilya ni Rizal, hindi ito magiging problema sa'yo. Wealthy families during this period (latter half of 19th century) were able to send their children to study in prestigious schools.
Ang mga babaeng anak ng pamilya Rizal, napag-aral nila sa La Concordia. Ang anak nilang si Paciano, sa Colegio San de Jose. The relative prosperity of the period has enabled them (wealthy Filipino families) to send their other sons to Spain and Europe for higher studies.
Hindi lang ang pamilya ni Rizal ang nakatamasa ng ganitong edukasyon, kung hindi marami pang yumamang Filipino ang napag-aral ang kanilang mga anak sa Madrid at Barcelona. Sa kolehiyo, na-expose sila sa mga secular at liberal ideas. Na, salamat sa mga revolution tulad ng French Revolution, achievable pala ang isang mundo na hindi tayo api-apihin nitong mga kumag na 'to.
(It may be more accurate to say that they "sought reforms. ") Ang ibig sabihin ng Ilustrado ay erudite, learned, or enlightened one. Bilang Ilustrado, sabihin na natin na naiinggit sila sa democracy na natatamasa ng ibang mga bansa, at sana ay ganun din ang natatamasa ng Pilipinas.
Na sana, hindi tayo inapi-inapi. Na sana tinatrato tayo bilang isang tao. At isa sa mga goal nila, i-treat tayo ng mga Spaniards bilang equivalent.
To be fair, madaling sabihin na kaya nag-emerge ang nationalist movement sa Pilipinas ay dahil sa mga Ilustrados. Pero mas may malaking factor pa na naging dahilan para ma-stimulate ang nationalism para sa mga natives na nasa Pilipinas. I-examine natin itong mga educational reforms na nangyari noong 19th Century.
Una. Dahil sa Industrial Revolution, napilitang baguhin ang educational system ng Pilipinas. Hindi na pwedeng puro dasal pa rin ang ituro, dahil kailangan ng ekonomiya ng skilled labor.
Ang mga schools, bago tayo maapektuhan ng Industrial Revolution, ay kontrol talaga ng mga prayle. At ang environment nun can be summed up in three words: inadequate, suppressive, and controlled. Mas pinapairal ang Fear of God kesa basic literacy.
Obedience to the friars imbis na matuto yung bata na magbilang. Childrens in the schools were taught to instill in their minds that they were inferior to others and were only capable of doing manual work. Clearly, ang ganitong educational system ay hindi na magwo-work to keep up with the modernizing world.
Pangalawa. Ang Educational Decree of 1863. Isa itong attempt ng Spanish Colonial government to address the lack of formal education among Filipinos.
Sa decree na ito, minamandato na ang bawat town sa Pilipinas ay kailangan magtayo ng at least one primary school for boys and girls. which was to be supported by municipal funds and supervised by the local government. This decree marked the beginning of (wider) formal education in the Philippines and opened up educational opportunities to a wider segment of society, including the middle and lower classes.
Ang primary education ay naging libre at bukas sa mga Filipino. This is significant, kasi ang pag-aaral kung paano magbasa, magsulat, at magbilang ay hindi na lang para sa mga wealthy at elite. Although, hindi ito perfect.
It lacked resources and qualified teachers. May mga discriminations din na nangyayari na nararanasan ng mga natives. At dahil nga Spaniards ang may hawak ng edukasyon, heavily influenced pa rin ito ng Catholicism at Spanish Culture.
Kaya nahi-hinder tuloy yung development ng national identity ng mga Filipino. Pero isa pa rin itong important step. Dahil dito, natuto tayong maintindihan ang wikang Kastila, at naging foundation para sa development of formal education at sa mga susunod na educational reform.
Pangatlo, the return of the Jesuits was a significant event that influenced the educational system in the Philippines. Noong bumalik sa Pilipinas ang mga Jesuits o Heswita, may dala silang mga ideas and methods na bago sa educational system ng Pilipinas. Noong 1865, ang Ateneo, na hina-handle noon ng mga Heswita, transformed into a secondary school.
At ang tinuturo nila ay beyond the official requirements. Pang-kolehiyo na kahit high school pa yung studyante. At dahil sa mga secondary schools na 'to kagaya ng Ateneo, naging awake ang mga ideas of nationalism, kahit sa mga Filipino na hindi naman nakapag-aral sa Europe.
Ayon nga sa isang letter ni Rizal kay Blumentritt, Ang mga educational reform na ito ay nakatulong na bigyan ng access 'yung iba pang mga tao na magkaroon ng opportunity na makapag-aral, makapag-basa, at matuto. In fact, noong 1866 nga ay mas malaki pa ang proportion ng literate people sa Pilipinas kesa sa Spain. The proportion of Filipino children attending school was also above average in European standards.
Bakit ganun na lang ang sigaw ng mga Filipino noong panahon ni Rizal? Na kailangan natin ng demokrasya. Para mas maintindihan natin siguro ay kailangan natin bumalik noong 16th Century.
Noong inintroduce sa atin ng mga Kastila ang relihiyong Christianity. Noong inintroduce sa atin ng mga Spaniards ang Christianity, ang sabi nila ay dapat nating mahalin ang lahat ng tao, kahit ano pang kulay, yaman, o katangian, dahil pare-pareho tayong mga nilikha ng Diyos. Kaso may problema.
Nakalimutan nilang sabihin na sa word na "tao", hindi tayo kasama. The Spanish colonial authorities did not treat brown-skinned Filipinos equally. Naalala ko sa hypocrisy na ito yung famous quote sa book ni George Orwell, Dahil nakalimutan nilang sabihin 'yun, o sa totoo ay talagang kinalimutan talaga, halos lahat ng Filipino sa Luzon ay naging Kristyano.
At throughout the next three centuries, ginamit nila ang relihiyon para i-justify ang lahat ng kanilang maling ginagawa. Forced labor? Para sa Diyos.
Cultural Suppression? Para sa Diyos. Conquest and Violence?
Para sa Diyos. During Rizal's time, ang Court of Justice ay notoriously corrupt. Mas dapat nga sigurong tawagin itong "Court of Injustice.
" Ang hustisya, para lang sa mayaman. Parang mali pa nga yung mayaman e. Ang hustisya, para lang sa Kastila.
Because at that time brown Filipinos were often treated unfaitly and justice was costly, partial, and slow. Kung isa kang Filipino na mahirap, hindi mo talaga makakayang bayaran ang sobra-sobrang mga gagastusin sa litigation. Kung isa ka namang mayaman na kulay puti, panalo ka na.
Yung Filipino na yung guilty at makukulong. Ayon nga kay John Foreman, Ang judicial procedure ay mabagal na nga, making it easy for justice to be delayed or denied, madali pang mahanapan ng butas. Wala kang choice kung sino ang mamamahala sa lugar mo, kasi wala ka namang karapatang bumoto.
The government enforced strict social and political hierarchies, denying Filipinos basic political rights and freedoms. This led to limited participation in the government, and the responsibilities of the natives were often not adequately compensated, (likely) leading to poor job performance. Kung kaliwang kamay ng Spanish crown ang mga officials, ang kanan naman ay para sa simbahan.
Kaya nilang magpakulong, at kahit may maling ginagagawa yung mga prayle, dahil kasama sila sa batas, 'matic inosente pa rin sila. The imposition of heavy taxes and levies on the local population resulted in widespread poverty and deprivation. In addition, nangungurakot yung mga officials, Nangongolekta sila ng pera, hindi para mapaayos yung sirang tulay o ipaayos yung mga eskwelahan, pero para sa mga sarili nilang bulsa.
I-summarize natin yung mga sinabi ko. Ang Spanish colonial period sa Pilipinas was marked by racial prejudice o rasismo, diskriminasyon, halos walang political rights, pineperahan ang local population, mina-manipulate ng simbahan ang bansa at ang tingin sa atin ng gobyerno ng Spain ay isang money making machine kaya nagfo-focus sila on exploiting the country's resources and labor. Patuloy na yumayaman ang mga mayayamang Kastila, at patuloy na humihirap ang mga mahihirap na Filipino.
Kung ganito ang nakikita mong mga hindi makatarungang bagay na ginagawa sa bansa mo at sa mga kapwa mong Filipino, hindi ka ba magagalit? Kasi yung galit na 'yan yung naramdaman ni Rizal, ng mga Ilustrados, at ng mga Filipinos na exposed sa liberal ideas nung nakita nila itong mga pangaabusong ito. Sa tingin nila, ang (Spanish officials and its practices) ay regressive, incompatible, childish, ang backward, at ang rason kung bakit hindi umuunlad ang Pilipinas.
Sabi nga ni Rizal sa isa niyang sulat, Kanina pinag-usapan natin yung mga revolutions na nangyari. At 'yan ang mga nangyari noong 19th Century Philippines as Rizal's context, in terms of *economic, social, cultural, at political landscape. Kung ngayon kaya pinanganak si Rizal, siya pa rin kaya yung Rizal na kilala natin?
Mahirap sabihin. Kung pinanganak siya on a different time period, e 'di different din ang experiences at ideas na makukuha niya, that would lead him down to a different path. Pero pwede mo ring i-argue na may nagbago ba?
Hindi ba nagpapatuloy pa rin naman ang oppression at inequality at hindi ba't passionate si Rizal na i-advocate ang karapatan ng mga Filipino. So kung pinanganak siya ngayon, e baka siya pa rin yung Rizal na tinuturing nating bayani. Nonetheless, it is worth pondering how different circumstances, such as being born into a less privileged family or not having access to like-minded individuals, would have influenced his life's trajectory.
Ngayon, only one thing is clear, ang pagkatao natin ay hindi lang dine-define ng genetics, but by a multitude of experiences and events that are interwoven throughout our lives.