[Musika] Isang mapagpalang araw SAO kuya Chris at sa lahat ng masugid na tagapakinig ng inyong channel itago niyo na lamang po ako sa pangalang Marcos sumulat po ako upang ibahagi sa inyo ang isang nakakatakot na pangyayari na tumatak sa aking isipan at kahit kailan man ay hindinghindi ko makakalimutan bata pa lamang ako non kuya Chris ay Napansin ko ng mainit na ang dugo sa isa't isa nila tatay at ng pamilya Cruz Ang kwento sa akin ay nagkaroon raw sila ng alitan sa pwesto at sa lupang kinatitirikan ng bahay namin na hanggang ngayon ay dala-dala pa
rin nila ang puot at galit sa isa't isa hindi ko naman alam kung paniniwalaan ko ba dahil lang sa lupa kaya hindi sila nagkakaayos pero isa lang ang nasisiguro ko noon galit ang itay sa pamilyang yon sa tuwing may makakasalubong kami sa isa sa kanila agad ng didilim ang mukha ni itay minsan ay napapamura pa siya ng mahina pero sapat para marinig ko ang nanay ko naman ay Tahimik lang pero kita sa kanyang mga mata ang tensyon nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog Dahil sa ingay at tensyon na narinig ko na nagmumula sa labas ng
bahay namin Agad akong bumangon sa pagkakahiga at sumilip sa bintana para tingnan kung ano na namang nangyayari Nakita ko sila nanay at tatay kasama ang ilan sa pamilyang crus na nagtatalo-talo sa hindi ko Malamang dahilan Bumaba ako sa ikalawang palapag para mas marinig ko ang pinag-uusapan nila mas lalo kong narinig yung malakas na boses ni nanay na sinisigaw ng pamilyang crus at ang galit na tono ng boses ni tatay masama ang mga tingin ng pamilya kina Nanay at tatay yung tingin na hindi mo gugustuhing makita hindi ko alam kung anong pinagmulan ng away nila sa
labas kuya Chris pero narinig ko ang sinabi ng isa sa pamilya Cruz na hindi raw marunong tumupad sa napag-usapan si tatay na agad namang binara ni nanay at sinabing wala naman daw ipinangako si tatay nakita kong mas lal naiinis at nagagalit ang pamilya kina Nanay at tatay ang lahat ng iyon ay mahahalay sa mga mukha nila pagkatapos ng pag-aaway na iyon ay agad ko namang kinausap ang itay itay Bakit niyo naman pinapatulan pa ang pamilyang yon Hindi ba kayo nagsasawa sa paulit-ulit na pangyayari Wala akong kinatatakutan kung gusto nila ng gulo pes Bibigyan ko sila
magsasalita pa sana ako non n bigla na lamang akong Tapikin ni Inay kita ko sa kanyang mga mata ang labis na pag-aalala kaya naman sinarili ko na lamang ang nais kong sabihin ilang minutong tahimik kami sa sala Walang imik naganap ng biglang makarinig kami ng kaluskos mula sa labas ng bahay agad namang tumayo ang inayat agad na inikot ang kabuuan ng bahay upang tingnan kung nakasara at nakakandado ang pinto ang itay naman ay Tumayo na rin sa kanyang kinauupuan pumunta ng kwarto nila at kinuha ang matagal ng nakatagong itak sa ilalim ng kama kasama ang
isang buntot pagi ng mga oras na ding iyon ay mas lalo pang na nagiging agresibo ang nilalang sa labas ng bahay pilit na nitong binubuksan ang pintuan pati na rin ang bubong ay pilit na tinutuklas upang makapasok na sa loob ng bahay kinuha ni inayang Rosario at mataimtim na nagdasal nilakasan ko naman din ang aking loob at Kinuha ko na rin ng itak sa kusina nakatayo kaming dalawa ng itay sa harap ng pintuan Mas lalo pang hinigpitan ng pagkakahawak sa itak naming dalawa at sa Isang Saglit pa ay tuluyan ng nasira ang aming pintuan bumungad
sa aming harapan ang dalawang malaking itim na aso pulang-pula at lisik na lisik ang mga mata nito napasigaw naman ng malakas ang inay ng makita ang mga nilalang na yon dahilan para bumaling sa kanya ang atensyon ng aswang Tumutulo ang laway nito at nakangising dahang-dahang lumapit sa kinaroroonan ng inay hindi na nag-aksaya pa ng oras ang aking ama at agad na Hinampas ng buntot pagi Ang aswang na nagtangkang lumapit sa Inay dahilan para mapait Ang aswang sa sobrang hapdi nag-iwan din ito ng bakas sa kanyang katawan sa sobrang galit ng malaking aso ay Agad niyang
tinalunan ng itay Mabuti na lang at nakailag ito at bumawi rin ng pag-atake sa bawat dampi ng buntot pagi sa balat nito ay siya namang pag-impaw naman ang aking ama nabantayan ko raw ang inay kaya dali-dali akong lumapit sa kanyang tabi upang protektahan ito tumagal ng Halos isang oras ang pakikipaglaban ni itay sa mga nilalang na yon hanggang sa hirap na hirap na ang mga ito at halos hindi na makagalaw naging kampante naman ang itay dahilan para makalmot siya ng aswang dali-dali naman akong tumakbo upang tagain Ang aswang nasugatan naman ito sa kanyang kanang braso
dahilan para mapatakbo ito pala ng bahay hahabulin pa sana ng itay ang mga nilalang na yon pero agad na din silang naglaho sa dilim ginamot agad ni Inay ang sugat ni itay habang ako naman ay nakatayo sa may pintuan nagmamasid napalinga-linga ako sa paligid ng mapansin ko ang isang pigura ng tao sa isang malaking puno ng balite na kalapit sa bahay namin nakatitig siya sa akin na nagpatayo ng aking mga balahibo lalabas na sana ako ng bahay upang sundan ang pigurang iyon n bigla akong tawagin ni Inay Hoy Marcos Anong ginagawa mo diyan Alam mo
namang Delikado sa labas Hindi ba pasensya na Inay Pumasok na ako sa loob ng bahay sasabih in ko na sana ang nakita ko kay itay pero n muli kong ibaling ang aking paningin ay wala na ang taong yon ipinagkibit balikat ko na lamang ang pangyayaring yon kinabukasan ay naging isang malaking usapan na ang pag-atake sa amin ng aswang narinig ko pang sinabi ni Mang Lauro isa sa pamilyang Cruz Na karma daw iyon ng pamilya namin [Musika] nag-init naman agad ang tenga ni Inay n marinig niya ang salitang yon at muli na namang nagsimula ang pag-aaway
nila baka kayo ang may gawa non pamilya kayo ng aswang Mga salot sigaw ni nanay kay Mang Lauro natigilan naman ng lalaki at Napansin ko ang pag-iba ng timpla ng kanyang ugali bigla itong naging agresibo at agad na sinakal ang inay hindi na ako nagdalawang Isip pa kuya Chris ng mga panahong iyon at agad ko ng sinuntok sa mukha si Mang Lauro dahilan para mabitawan niya ang inay hindi pa ako naging kuntento sa aking ginawa at muli ko pa siyang sinuntok hanggang sa bumulagta siya sa lupa doon ko rin Napansin ang malaking sugat sa kanyang
ng braso ilang minuto lang din noon ay dumating ang ilan sa Barangay tanod para awatin kami pero hindi pa natapos doon ang kaguluhan sa pamilyang Cruz laban sa amin Dahil minsan nagigising na lang akong nagkakasawaan na naman sila sa labas ng bahay o di kaya'y madadatnan kong bad trip sila nanay at tatay dahil sa pamilyang Cruz magkapareho lang naman ang ng buhay namin sa buhay ng pamilya Cruz wala akong kaalam-alam kung bakit pinag-aawayan pa nila ang pwesto ng lupa o kung sa dapat pa bang pag-awayan ang ganong bagay magsabi nga po kayo ng totoo Inay
itay Ano po bang meron Bakit hindi kayo magkasundo ng pamilyang [Musika] Cruz matagal silang Natahimik Napansin ko din ang pagkuyom ng kamao ni itay Hindi mo na kailangan pang malaman yon mag-ingat na lang kayo ng nanay mo naiintindihan mo ba ako Marcos hindi na ako nagtangkang mag-usisa pa kaya naman tanging tango na lang ang aking naging tugon pagkatapos ng gabing yon ay naging maayos naman ng lahat mas naging tahimik na ang buhay naming pamilya kaya ang buong akala ako non ay sinunod ako ni itay at umiwas na siya sa pakikipag-away sa pamilyang Cruz isang tanghaling
tapat ng makauwi ako sa bahay Galing ako sa bayan noon dahil may mga bagay na ipinabili sa akin ang aking Inay subalit nadatnan kong dinuro ng isa sa miyembro ng pamilya Cruz na si Mang Lauro ang aking ama at pinag mura Dinig na dinig ko ung mga malulutong na mura na nanggagaling sa bibig ng Padre de pamilya nila gumanti naman ng malulutong na mura si tatay kay Mang Lauro na naging dahilan ng mas lalo nitong pagkainis muling dinuro-duro ni Mang Lauro sila nanay at tatay habang galit na galit narinig ko pang sinabi nito sa kanila
na kahit saan daw kami mag puntang buong pamilya ay susundan kami ng mga kamalasan at guguluhin ang mga kamag-anak nila bahagya naman akong Naguluhan dahil sa sinabi ng Padre de pamilya ng Cruz dahil hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito natigil bigla sa pagsasalita si nanay at tatay dahil sa sinabi ni Mang Lauro nanatili lang silang nakatitig sa pamilyang Cruz ngunit hindi maikukubli ang takot at pangamba sa maaaring gawin ang pamilyang yon sa pamilya namin galit na galit pa rin ang mukha ng mga ito nang umalis sila sa harapan ng bahay namin mabilis
namang pumasok sa loob sila nanay at tatay habang hindi pa rin naaalis ang takot sa mga mukha nila Napansin ko si Inay na dumiretso sa kwarto namin at agad na inimpake ang mga damit namin tinanong ko naman siya kung bakit siya nag-iimpake ng mga gamit pero ang sabi niya ay Kailangan na naming umalis dahil nanganganib na kami dito sa lugar namin sumapit ang hating gabi madaling-madali kaming tatlo nila tatay na makaalis sa lugar na tinitirhan namin dahil ayon sa kanya Ay nababahala na raw siya sa panganib na ma maing mangyari sa aming mag-anak habang nag-iimpake
kami hindi pa tapos si Inay sa pagpapaliwanag ng bigla kaming nagulat dahil sa isang malakas na tunog mula sa labas Inay Ano yon tanong ko habang nag-aayos ng mga gamit nandiyan pa rin ang kaba ko Hindi ko alam kung anong nangyayari pero may nararamdaman akong hindi tama Nakita ko si tatay na nakatingin sa pinto at parang may naririnig din siya may kakaibang tunog sabi niya at binuksan ng pinto mabilis akong sumunod sa kanya at narinig namin ng malalakas na kaluskos mula sa labas wala kaming magawa kundi Magtulungan na mag-impake pero ang takot sa mga mata
nila ay hindi nila kayang itago tinulungan ako ni tatay na magdala ng mga gamit ngunit bigla kaming nagulat sa isang matinding tunog isang malakas na kaluskos mula sa likod ng bahay agad akong tinulungan ni tatay na makalabas ng bahay at tinawag kami ng mabilis ng Nanay pero bago pa kami makagalaw narinig namin ang malalakas na pagaspas ng pakpak na parang galing sa dilim mabilis akong nag-isip at tumakbo at tumulong kay tatay na magsara ng pinto ngunit sa hindi inaasahan ay may humarang sa kanya na isang nilalang na may pakpak isang uri ng aswang na kung
tawagin ay Manananggal agad na tumalon si tatay at nagsimulang labanan ng aswang gamit ang mga pangdepensa namin mag na kayo ng nanay mo anak sigaw ni tatay habang tinatamaan ng aswang ang katawan niya pero hindi siya tinatablan mabilis akong nag-isip kumuha ako ng kahoy at sinugod Ang aswang habang naglalaban si tatay at ang Manananggal ay sinubukan kong dumaan sa likod ng aswang at tumalon sa itaas nito Magsisimula na Sana itong lumipad papalayo pero lampas ni itay ng buntot pagi ang Manananggal dahilan upang masaktan ito nanghina ito ng tuluyan at halos hindi na makagalaw hindi na
rin nag-aksaya pa ng oras ang itay at Agad niyang sinaksak Ang aswang malapit sa kanyang puso agad naman kaming nagtulungan upang makalabas at magtago maya-maya pa ay tumayo si itay kahit n duguan ngunit hindi siya nagpatinag mabilis kayo Kailangan na nating umalis dito Sabi niya bago kami makalayo nakita pa namin ang mga katawan ng mga aswang na naglaho sa dilim nng gabi ngang iyon ay nilisan namin ang lugar ng walang nakakaalam sa bayan Kung saan kami napadpad na mag-anak agad kaming nakah hanap ng matitirahan hindi pa rin pinapaalam sa akin nila tatay ang dahilan kung
bakit kami ura-uradang umalis sa lugar kung nasaan din ang pamilyang Cruz matapos lang nilang mag-away ay bigla na lang nagkaganon sila tatay naging maayos naman ang pagtira namin sa bagong lipat na bahay ng ilang araw pero Lumipas ang ilang linggo ay nagkaroon ng kakatwang pangyayari sa amin m madalas kaming nakakarinig ng mga kaluskos at ligalig sa bubungan madalas akong nagigising ng 2:3 ng madaling araw Dahil sa ingay na nagmumula sa bubong hanggang sa tapat ng pinto ng bahay hindi pa man kami nakakaisang buwan sa lugar kung saan kami kasalukuyang nakatira ay nakakarinig na kami ng
mga bulung-bulungan patungkol sa amin kapag mapapadaan ako sa mga kapitbahay na nagchichismisan ay nagpaparinig sila sa akin naririnig kong sinasabi nilang Simula daw na mapadpad kami sa lugar nila ay nagsimula na ding maging magulo ang buhay nila hindi ko naman maintindihan yung Ibig nilang sabihin kaya hindi ko mapigilang mapako ang noo sa mga sumunod na gabi ay naging Ganoon pa rin ang mga nangyayari nakaka kami ng mga kalabog sa bubong at mga katok sa pinto sa tuwing may nagpaparamdam nga sa bubungan namin ay naghahasa agad ng itak si tatay pangontra daw sa nasa labas ng
bahay namin habang nakakaranas kami ng mga kakatwang pangyayari tuwing hating gabi pinag-iisipan na pala kami ng masama ng mga kalugar namin may nakapagsabi kasi sa amin na kami daw ang pinaghihinalaan ng mga tao na mga aswang na nanggagalaing simula raw kasi nang mapadpad kami sa lugar na tinitirahan namin ngayon ay nagsimula na rin daw ang mga nangyayaring pames sa mga alagang manok baboy at kung ano-ano pang mga hayop na madalas tirahin ng mga aswang nagiging madalas rin daw ang pames ng mga aswang sa mga taong may sakit bata o matanda sa mga buntis at lalong-lalo
na sa mga sanggol kami rin daw ang pinaghihinalaan ng mga tao Dahil bukod tangi lang daw kami na walang kinukwentong kakatwa sa kanila Nagalit si tatay ng marinig ang mga naging paratang sa amin ng mga tao alam naman daw namin na walang katotohanan ang lahat ng yon kaya bakit daw kami pinaghihinalaan na mga aswang sa ikalawang pagkakataon nga ay nilisan ulit namin ng lugar kung saan kasalukuyan kaming nakatira at Lumipat kami ng ibang lugar nakakatanggap na kasi kami ng mga banta sa buhay namin at minsan pa nga ay binabato ng mga tao ang bahay namin
hinahunting na rin kami ng mga residente Dahil sa tuwing mas tatagal kami sa lugar na yon mas madalas rin daw ang pames ng mga sinasabi nilang aswang sinabi sa amin ni tatay na may pinagsususpetsahan na daw siya na mga tao kung sino ang may pasimuno ng mga nangyayari sa amin tinanong ko naman siya kung sino yung mga taong tinutukoy niya pero nanatiling tikom si tatay maging si nanay ay ayaw ring ipaalam sa akin kaya mas lalo akong Naguluhan Sabayang napuntahan namin ay mabilis ulit kaming nakahanap ng bahay na matutuluyan hindi na siya kalakihan gaya ng
nauna pero kasyang-kasya naman kaming tatlo Nagtataka ako kila nanay at tatay dahil Ni minsan ay hindi na nila nabanggit ang pamilyang nakaaway nila nananatiling misteryo sa akin kung bakit biglaan ang pag-alis namin sa lugar kung nasaan ang pamil Cruz gaya ng naunang tinirhan namin muling naulit ang mga kakatwang nangyayari sa amin hindi pa man kami nakakatulog ng maayos sa loob ng isang linggo muli na namang nagparamdam ang mga kung anu-anong nilalang na gustong pumasok sa bahay namin nakakarinig na naman kami ng mga kaluskos at lagabog sa bubungan at nagiging madalas yon na umaabot sa puntong
hindi na namin nagagawang makatulog dahil sa pag-aalala gaya nga rin ng naunang lugar na tinitirahan namin muli akong nakarinig ng mga bulong-bulungan tungkol sa amin parang naulit yung nangyari nung nauna dahil ganitong ganito rin yon sa tuwing makikita kami ng mga nakakakilala sa amin palagi kaming pinag-uusapan na mag-anak naririnig din naming kam ang pulutan o topic sa tuwing may usapan O tsismisan ng mga magkakapitbahay at mga kalapit bahay may alam na ako kung ano ang ibinibintang nila sa amin lumapit sa amin ang isa sa mga concern sa aming pamilya at nagkwento kami rawang sinasabi ng
iilan sa mga residente na namemeste sa mga alaga nila kami raw ang pumapatay sa mga iyon at higit sa lahat pinagbibintangan daw kaming mga aswang dahil simula raw ng mapadpad kami sa lugar nila ay nagsimula ng magkawalaan ng mga alagang hayop lumakas din daw ang mga paratang sa amin n minsang titigan ni nanay ang isang buntis at batiin at kinagabihan nga lang daw ay sumakit ng sumakit ang tiyan ng nabati ni [Musika] nanay mariin nam itinanggi ni nanay na inaswang niya ang buntis na binati niya dahil hindi naman daw kami mga aswang at ang simpleng
pagbati ay Natural lang naman daw Galit na galit na naman si tatay ng Malamang napagbintangan na naman kami halata sa mukha ni tatay ang galit at inis dahil sa paulit-ulit na pangangamba ng mga kung anong gumagambala sa amin madalas naman akong nak nakakita ng isang malaking ibon na nakasampa sa bubungan namin tuwing sasapit ang paglubog ng araw hindi siya tipikal na isang klase ng ibon na nakikita sa pangaraw-araw isa siyang ibon na maihahalintulad sa isang paniki na triple ang laki dahil hindi ko na masikmura ang ginagawa nilang paratang sa amin ay Pinatulan ko na ang
ilan sa mga kapitbahay namin na nagsasabing isa raw aswang at sa pangatlong pagkakataon nga ulit ay nilisan na naman namin ng lugar kung saan kami nakatira madalas na kasi kaming iwasan ng mga tao at napagbibintangan kami nai raw ang mga aswang na namemeste sa kanila binantaan na nila kaming papatayin at susunugin ang bahay na tinitirahan namin Ayaw na ni tatay na lumaki pa ang gulo kaya nagdesisyon na siyang umalis na kami sa mga puntong ito namong problema na sila tatay at nanay kung saan kami titira hindi namin alam kung saan kami susunod na pupunta dahil
nag-aalala na sila sa maaaring mangyari sa aming pamilya naging panay tanong na rin ako sa kanilang dalawa ukol sa pagpapalipat-lipat namin ng mga bahay ng biglaan ngunit bigo pa rin akong malaman ng dahilan alam ko namang pamimintang na aswang yon pero wala namang katuturan ang lumalabas sa kanilang bibig dahil hindi naman kami isang aswang pero dahil desisyon naman yon ng aking mga magulang ay wala na akong nagawa pa at sumunod na lang agad na kaming naghanap ng matitirahan at nakahanap naman kami kaagad ng matitirahan sa pangatlong pagkakataon mas maluwag na yun kaysa sa pangalawa dahil
sa mga nangyayari sa aming pamilya ay madalas akong hindi makakatulog ng maayos ni paglabas-labas ng bahay ay iniiwasan ko na din upang hindi na muling mangyari ang pagpapalayas sa amin sa lugar tahimik naman ang mga nagdaang gabi sa bahay at walang naging bakas ng pang gagambala ang akala kong ay maayos na ang lahat pero hindi pa pala matapos lang ang tatlong linggo ng Pananahimik ay muli na namang nagparamdam ang kung anong nilalang sa bubong ng bahay muling naulit ang mga nangyari sa mga naunang bahay at lugar na tinitirhan namin ginagambala na naman kami ng mga
nilalang na gusto kaming patayin gaya nga ng inaasahan namin Kami na naman ang [Musika] ang sobrang galit at puot dahil sa mga nangyayari na napagbibintangan na naman kaming mga aswang muli na naman kaming tahimik na umalis sa lugar na kasalukuyan naming tinitirhan dahil gaya ng mga nauna ay napagbabalingan [Musika] na rin ang mga buhay namin dahil sa mga pagbabantang ginagawa nila ilang beses pa kaming nagpalipat-lipat ng lugar at bahay dahil sa paulit-ulit na sistemang nararanasan namin ilang beses na kaming napapara ngan na kami raw ay peste sa lugar nila kami raw ay mga aswang na
nagdadala ng kamalasan sa kanila kahit ang mga iyon ay wala namang katotohanan isang araw nga ay may ipinagtapat si tatay at ang sabi niya sa akin ay hindi na raw niya kaya pang itago ang totoo sa akin Ayaw daw niya akong nakikitang nahihirapang mag-isip ng dahilan sa mga nangyayari sa amin Kaya minabuti na niyang ipaalam sa akin ang katotohanan Akala ko ay aaminin ni tatay na kami ang mga aswang na nanggagalaing tinitirahan subalit hindi sinabi niya sa akin ang dahilan kung bakit bigla kaming umalis sa lugar kung Nasaan ang pamilyang Cruz Ang kwento niya sa
akin ay matalik daw talaga silang magkaibigan ni Mang Lauro nung kabataan pa nila palagi raw silang magkasama sa kung saang kalokohan hanggang sa may inamin si Mang Lauro kay tatay inamin nito na isa raw siyang aswang tipikal na gulat at takot ang unang reaksyon ni tatay Ngunit sinabi naman ni Mang Lauro na hindi naman daw siya kakainin dahil ipinagbabawal sa kanila ang pagkain ng tao napanatag naman ang kalooban nito Kaya ipinapangako ni tatay na hinding-hindi daw niya ipagsasabi kahit kanino ang nalaman niya kahit ano mang mangyari pero isang araw ay nalaman na lang ni Mang
Lauro na nalaman na ng mga kapitbahay nila ang tungkol sa tunay niyang pagkatao at ang sinisisi niyang dahilan kung bakit nalaman ito ay si tatay dahil siya lang daw ang pinagsabihan niya nito Simula nga noon ay nagkaroon na ng lamat sa relasyon bilang magkaibigan sila tatay at si Mang Lauro palagi silang nagbabangayan at ipinalalabas na tungkol sa pwesto sa lupa ang ang ugat ng pag-aaway nila nasabi ni tatay na gustong-gusto raw kaming saktan ni Mang Lauro at ng buong pamilyang Cruz pero hindi raw nila ginagawa dahil isinasaalang-alang pa rin nito ang dating pagkakaibigan pagsasalaysay saakin
ni tatay na si Mang Lauro ay nagmula sa Angkan ng mga aswang Alam naman niyang malakas talaga ang pamilya Cruz pero hindi niya pa rin maiwasan ang hindi makipag-away rito Dahil hindi ito nakaiintindi napakakitid ng utak sa ng aking tatay eh kung alam niyo naman palang aswang ang pamilya nila Tay e sana hindi niyo na lang Pinatulan ugon ko sa kanya [Musika] Hindi naman umiimik ang aking ama sa sinabi kong ito bagkos ay umalis siya at lumakad na papasok ng kwarto nila tinanong ko naman si tatay kung ano bang naging punot dulo kung bakit bigla
kaming umalis sa lugar namin dahil Imposible namang dahil lamang iyon sa alitan Ang sabi niya sa akin ay minarkahan daw nila kami hindi ko naman makuha yung ibig sabihin ni Tatay kaya ipinaliwanag niya sa akin minarkahan daw kami ng pamilya Cruz o isinumpa nila kami kung naaalala ko ba raw yung sinabi ni Mang Lauro na kahit saan daw kami magpuntang buong pamilya niya ay susundan kami ng mga kamalasan at guguluhin ang mga kamag-anak nila isa raw sa palatandaan na namarkahan k ng isang aswang ay kapag sa bawat pintong pasukan mo palagi kang nakaririnig ng mga
ingay sa labas ng bahay mo tinanong ko naman si tatay kung ano bang maaaring gawin para Huminto ang mga gumagambala sa amin ngunit ang sabi niya ay kamatayan daw sa aming tatlo o isa sa aming pamilya niya hindi raw kasi matitigil ang sumpa ng aswang Hangga't May isa pa sa aming nabubuhay kahit Saang sulok pa raw kami maglagi ay masusundan kami ng mga aswang na kamag-anak kuno ng pamilya Cruz dahil nakamarka kami sa [Musika] kanila naging sunod-sunod ang mga dagok sa buhay namin ilang beses pa kaming nakaranas ng mga kakatwang pangyayari sa bawat paglipat ng
lugar at palagi kaming naparatangan mga peste at hindi mapagkakatiwalaan Kaya madalas kaming napapaalis kaagad Tama nga ang sinabi ni tatay kahit Saang sulok man kami magpunta ay hindi kami makakatakas sa mga pangagamba ng mga aswang kung saan kami napapadpad ay Doon din kami ginag kaya naman nadadamay pati ang mga nakatira rin sa lugar na tinitirhan namin dahil sa hindi na masikmura ni tatay ang mga pangyayaring yon ay napagpasyahan na niyang lumapit sa isa sa albularyo niyang kaibigan upang humingi ng tulong hindi na nila ako isinama sa pag-uusap nilang yon Dito ka lang Marcos ilak mo
ang pintu at mga bintana at mag-iingat ka dito tay mas mabuti po kayang sumama na lang ako sa inyo hindi pwede Delikado sa labas mas mabuting kami na lang ng inay mo ang umalis Wala naman na akong nagawa kaya napabuntong hiningan na lamang ako at ipinagdasal ang kanilang kaligtasan sa sa pag-uwi ilang oras pa lang ang lumipas ay nararamdaman ko na ang nagbabadyang panganib kaya naman Naglagay ako ng isang maliit na kutsilyo sa aking likuran inihanda ko na rin ng itak at buntot pagi na iniwan sa akin ni tatay maya-maya paay nakarinig ako ng isang
malakas na pagkatok sa aking pagsilip ay siyang panlalambot ng aking katawan dahil sa takot may aswang na naman sa labas buong lakas kong itinulak ang pinto upang maisara at mailako mabuti na lamang at naisara ko ang pinto dali-dali akong tumakbo papunta sa kusina kinuha ko ang maliit na kutsilyo inihanda upang ihagis ko ito sa kanya kung sakaling ipagpilitan pa niya ang sariling pumasok sa loob ng bahay kinuha ko na rin ang isang garapon ng asin handa para sa pagsaboy sa pesteng aswang matyaga akong nag-antay sa pintuan Wala na itong dadaanan pa kundi sa pintuan lamang
na yon laking Gulat ko ng mawala ang tunog sa labas naging mistulang tahimik ang paligid pero ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko inaasahan isang malakas na pagkatok ang narinig ko ang akala ko ay si inayat itay na yon kaya dali-dali kong sinilip ang labas ngunit nandoon pa ang aswang inipon din nito ang kanyang lakas at hindi nagdalawang isip na binangga ang pintuan dahilan para tumilapon ako sa aking kinatatayuan nabuksan na rin nito ang pintuan ng bahay Maawa ka gusto ko pang mabuhay wala sa sariling saad ko sa aswang papalapit siya ng papalapit sa
akin doon ko na kinuha ang nakatagong patalim sa likuran ko sinaksak ko sa tagiliran ng aswang at walang habas na tumakbo papalabas ng bahay narinig ko naman ang pagdaing ng aswang Mas lalo ko pang tinibayan ang loob ko at tuluyang lumabas napagdesisyunan kong humingi ng tulong sa kapitbahay at doon na magpalipas ng gabi n gabi na namang iyon ay hindi ako makakatulog nananatiling dilat ang aking mga mata naging praning na din ako ng mga oras na yon dahil na rin siguro sa nangyari sa akin pati ang bahay na tinutuluyan ko ay pinagdududahan ko Labis ang
aking pag-aalala sa aking mga magulang maraming mga sinaryo ang pumapasok sa aking isipan maya-maya pa kinatok ako ng Padre de pamila ng tinutuluyan ko any sa akin na huwag raw akong magtatagal sa bahay nila dahil ayaw nilang madamay May mga anak pa itong nasa lima o pitong taong gulang din kaya naman hindi pa sumisikat ang liwanag ay nilisan ko ang bahay nila At muling bumalik sa bahay namin nagbabaka sakaling nakauwi na ang inay at itay inihanda ko na ang aking sarili sa mga pwedeng mangyari kung gusto nila ng patayan ay hindi ko na sila uurungan
pa pero huli na pala ako umuwi si Inay na pulang-pula ang mga mata niya madungis na madungis din ang kanyang sarili Inay nasaan ang Tatay bakit Kayo lang po ang nakauwi ha Inay Wala na ang tatay mo Anong wala na nay Hwag nga po kayong magbiro ng ganyan Hindi ba pumunta kayo sa albularyo para humingi ng [Musika] tulong patay na ang tatay mo Marcos nagpatiwakal siya Para akong binuhusan ng malamig na tubig hindi ako makapaniwalang ang matapang at walang sinusukuan kong ama ay nagawang magpatiwakal Paano yun nangyari Inay pero wala akong nakuhang sagot mula sa
kanya patuloy lamang din ito sa pag-iyak hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko ng mga oras na yon at mahigpit kong niyakap ang aking ina at umiyak na rin dahil nga sa hindi n nakakayanan ni tatay ang mga pangyayari ay nagpatiwakal siya nag-iwan pa ito ng sulat sa aming dalawa ni nanay na nagsasaad na hindi raw matatapos ang nangyayari sa aming pamilya niya kung patuloy pa rin siyang mabubuhay siya raw ang may kasalanan ng lahat kaya siya rin daw ang dapat na tumapos napailing naman si nanay Mas lalo pang lumakas ang kanyang paghagulgol ng
iyak dahan-dahan siyang napaupo ako ang may kasalanan ng lahat ng ito tsaka niya sinabi na siya raw ang nagpakalat ng sikretong tungkol sa katauhan ni Mang Lauro at hindi si Tatay hindi niya raw kasi kayang makita si itay na maging isang matalik na kaibigan ang isang aswang dahil ikakapahamak niya lamang ito pati ako ay hindi makapaniwala sa sinabing iyon ni nanay magalit man ako kay nanay ay hindi pa rin naman non maibabalik at maitatama ang nakaraan Ang sabi ko pa sa aking ina na Huwag na niyang sisihin ang sarili dagdag ko pa kung nandito lang
si tatay ay alam kung iun din ang sasabihin niya kay nanay umiiyak ako habang sinasabi yun sa kanya hindi na namin natagpuan ang bangkay ni itay kaya naman ipinag sa Diyos na lamang namin ang lahat naghanda na kami ni Inay na pumunta sa siyudad upang ipagpatuloy ang buhay dahil hindi namin kaya na manatili rito sa probinsya at araw-araw na maaalala ang malagim na pangyayari nakahanda na ang isang malaking bag namin naroon na ang mahalaga naming gamit ng biglang isang hindi inaasahang bisita ang pumunta si Mang Lauro ang balita namin sa kanya Ay isa-isa ring nawala
ang pamilya niya pero matagal ko ng alam na pamilya niya ang gumagambala sa amin Kaya alam niya sa sarili niyang patay na ang pamilya niya ano pang ginagawa mo rito Lauro patay na ang asawa ko ' ba yun naman ang gusto mo sa tingin mo sapat na yon Wala na akong pamilya dahil SAO kaya isasama kita sa h [Musika] at sa isang kisap mata lang ay nagbagong anyo bilang isang malaking aso si Mang Lauro Nanlilisik ang mga mata nito nagbabadyang handa kaming lapain kahit anumang oras sumigaw ang nanay nang Tumakbo na ako pagkatapos ni Inay
na masabi ang mga katagang yon ay dinakma na agad siya ni Mang Lauro napatakbo naman ako sa kusina at agad na kinuha ang kutsilyo at isang garapon ng asin tsaka muling bumalik sa sala nakita kong kinakagat ni Mang Lauro ang paanan ni Inay kaya dali-dali ko itong sinabuyan ng asin mas lalo naman itong nanggalaiti sa galit at patuloy sa kanyang ginagawa Kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad ko na ring sinabuyan ng as ng aswang dahilan para umimpis ito sa sakit at maibaling ang kanyang atensyon sa akin iniwan niya ang inayat Ako
naman ng sinubukan niyang dakmain umiwas naman agad ako at ipinagpatuloy ang aking ginagawang pagsaboy sa kanya ng asin maya-maya paay kinalmot ako ng aswang dahilan para tumulo ang aking preskong dugo sa sahig sa mga mga oras na yon ay napansin kong lalo ang pagkatakam ng aswang sa akin kaya naman mas bumilis pa ang kanyang pag-atake sa akin naiilagan ko naman ang ilan sa atakeng ginagawa nito pero sadyang maliksi at mabilis lang talaga si Mang Lauro kaya marami rin akong natamong sugat sa aking katawan ang aking damit ay para ng sira-sirang basahan matagal din ang aming
naging sagupaan Bago pa ako makaramdam ng pagod ganoon rin ang aswang hingal na hingal na ako at naghahabol na ng hininga ano Marcos Tutulad ka rin ba sa ama mo magmamatigas ka o Papatayin ko ang pinakamamahal mong ina Tumigil ka na mang Lauro kung ano man ang ny sa inyo ni itay sa inyo yon huwag mo n idamay pa si Inay isang malakas na pagtawa naman ang kanyang naging sagot at sa tingin mo susundin kita hinawakan niya naman ang inay sa kanyang braso at pilit namang nagpupumiglas ang inay pero dahil sa higpit ng pagkakakapit nito
sa braso ng Inay ay hindi di ito makawala magdesisyon ka na Marcos saad niya habang dahan-dahang kinakalmot ang braso ni Inay dahilan para mapasigaw ito sa sakit na kanyang nararamdaman tumakas ka na Marcos Hayaan mo na ako sasama na ako sa tatay mo isang malakas na halakhak ang binitawan ni mang Lauro gamit ang kanyang matatalas na kuko ay sinaksak niya ang inay sa tiyan ng mga oras na iyon ay hindi ko na alam ang gagawin ko Naroon lang ako nakatayo muli lamang akong bumalik sa ulirat nang marinig ko ang mahinang boses ng inay sabi niya
takbo pero imbis na gawin ko yon ay mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kutsilyo mamamatay kang salot ka galit na saad ko bago ko muling sugurin Ang aswang walang habas ko siyang inatake hanggang sa maghabol siya ng hininga at tulad ko ay puno na din ng galos ang kanyang katawan agad naman niya akong tinalunan nang malingat ako saglit dahilan para bumagsak ako sa lupa kita Ako na sa kanyang mga mata ang matinding galit ang buong Akala ko noon ay katapusan ko na dinampot niya ako at muling itinapon sa sulok ng bahay Mawawalan
na sana ako ng pag-asa ng maabot ko ang garapon ng asin dinakot ko naman yon at naghintay ng tamang tiyempo at n dahan-dahang lumapit sa akin ang aswang ay agad ko siyang sinabuyan ng asin dahilan para mapahiyaw siya sa hapdi inipon ko naman ang buong lakas ko at agad na tumakbo sa nahulog kong kutsilyo at sa tamang pagkakataon ay tinalunan ko siya at agad na sinaksak ang kanyang puso paulit-ulit ko iyong ginawa hanggang sa bumulagta ito sa SAIG at tuluyan ng malagutan ng hininga natigilan ako dahil muli kong naisip Si inay dali-dali kong nilapitan ang
nakahandusay niyang katawan at nanginginig akong lumapit rito at hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mapahagulgol na sa iyak sinisisi ko ang aking sarili dahil kung hindi sana ako naging duwag at Hinayaan lamang ang aswang na saksakin siya siguro ngayon ay buhay pa siya Hindi ko maiproseso ang pangyayari Tulala lang ako buong magdamag hindi ko iniwan ang bangkay ng aking inay yakap-yakap ko ito hanggang mag-umaga iniayos ko ang kanyang lilibingan inilibing ko ang inay katabi ng kanyang magulang Dahil minsan na niyang sinabi sa akin na kapag wala na siya sa mundo ay gusto niyang
sa tabi siya ng kaniang magulang mailibing at sa huling pagkakataon ay tinupad ko ang kanyang habilin Simula nung mawala si tatay at Inay nagbago na ang buhay ko hindi na ako muling ginambala o sinundan pa ng pamilyang Cruz ngunit nakalulungkot lang dahil kinakailangan pang mag sakripisyo ni inay at itay upang maibalik lang sa normal ang buhay na minsan Ang Sinira dahil sa hidwaan ng dalawang pamilya pagkatapos kong maayos ang lahat ay napagpasyahan kong lisanin na ang probinsyang iyon ipinagpatuloy ko ang buhay na nais sa akin ng aking mga magulang nagtayo ako ng Munting negosyo sa
kaunting halagang naiwan sa akin nila masaya na ako sa buhay ko ngayon may sariling asawa at anak na rin ako ngayon maraming maraming salamat po Kuya Chris Dahil binigyan niyo ako ng pagkakataon na maibahagi ko sa inyo ang kwentong ito na maging aral sa iba ang mga pangyayaring naganap sa kwento kong ito hanggang Diyan po muli Ako po si Marcos ang inyong kaistorya Maraming maraming salamat po mga kaistorya sa pakikinig at kita kits po ulit bukas para sa isa na namang nakakatakot na kwento Ito po si kuya Chris ang inyong kaistorya God bless po at
ingat po lagi [Musika] p [Musika] [Musika] [Musika] k [Musika] k [Musika] [Musika] c [Musika] p [Musika] [Musika] [Musika] p [Musika] [Musika] [Musika] [Musika] c [Musika] c [Musika] [Musika] k [Musika] k [Musika] [Musika] [Musika] [Musika] [Musika] ch [Musika]