[musika] Ewan ko ba naman kasi sayo ate Nina. Mas gwapo naman ako kay kuya no. Eh ba't nagtattiyaga ka sa kanya?
Kung ako lang talaga yung una mong nakilala, hindi kita sasaktan. Hindi kita paiiyakin. Paiyakin man kita.
Pero sa ibang bagay, hindi nauso ang martir ngayon. Kapag niloko ka ng asawa mo, gawin mo din para patas kayo. Naku, Carlo, lasing ka lang kaya ka ganyan.
Bakit? Tama naman ako ah. Tingnan mo nga ikaw.
Maganda ka nga. Niloloko ka naman ng asawa mo. Kahit anong bait, anong ganda, anong sexy ng isang babae, kapag ginusto ng lalaking tumikim ng iba, wala kang magagawa.
Isang mapagpalang araw po sa inyong lahat mga listeners at sa inyo rin Miss Kya. Sana'y pagpalain kayo ng may kapala. Ang kwentong ibabahagi ko po ay hindi lamang isang pagtatapat kundi isang paalala sa lahat ng mga kababaihan.
Huwag tayong maging padalos-dalos sa pagpili ng makakasama habang buhay. At kung sakaling magkaroon man tayo ng isang kasalanan ay nasa sa atin pa rin kung paano iyon maitatama. Naway magsilbi ang kwento kong babala at maging aral po sa inyong lahat.
Dahil kasi sa labis na lungkot at sa paulit-ulit na panloloko sa akin ang aking asawang si Lito ay hindi ko napigilang maibigay ang sarili ko kay Carlo. Bagay na alam kong mali. Siya ang bunsong kapatid ng aking asawang si Lito.
Isang saman hiwalay sa asawa. Siya ang naging asawa ko. Sa tuwing nasa kantungan ng ibang babae, ang mister ko, panandalian siyang nakituloy sa bahay namin at sa mga panahong yon ay siya ang naging kasa-kasama ko sa lahat ng bagay.
Kasamang mag-grocery, kasamang manood ng TV. Kasamang mag-alaga sa aking anak. Kasamang maghintay sa pag-uwi ng aking asawa.
At sa bawat araw na lumipas, naging malapit kaming dalawa hanggang sa hindi nga inaasahan gawa ng tawag ng pangangailangan ay may nangyari po sa amin. Ngunit sabi nga, kahit anong sama ng asawa mo, ang mali ay mali. Mali na may namagitan sa amin ni Carlo dahil hindi ko naman siya asawa.
Sadyang nadala lang siguro dahil sa labis kong galit sa aking mister. Sana'y huwag niyo muna akong husgahan hanggang hindi pa natatapos ang aking istorya. Handa po akong magbasa ng inyong mga komento.
Ako nga po pala si Nina. Hindi ko po tunay na pangalan. 30 years old na po sa kasalukuyan at lumaki sa isang simpleng probinsya ng Quezon kung saan ang buhay namin ay tahimik.
NBSB ako or no boyfriend since birth. Kaya't ang unang lalaki sa buhay ko ay ang asawa kong si Lito. Nakilala ko siya nung nasa edad 26 na taong gulang ako.
Siya yung tipo ng lalaking agad mong mapapansin. Gwapo, may kumpyansa sa sarili at marunong talagang mambola. May sense of humor din to na talaga namang nakaka-attract sa mga kababaihan.
Sa aming bayan si Lito ay masasabi mong sikat at isang promising yang man dahil nagtatrabaho siya sa isang malaking kumpanya sa Maynila at madalas umuuwi na maraming pasalubong sa pamilya na tunay ko namang hinangaan. Ang pananamit niya ay laging sosyal. Sa madaling salita talagang maporma si Lito.
Hindi ko rin naman ipagkakaila na kahit laking probinsya ako ay maganda at maputi akong babae. Palagi rin akong isinasali sa mga paganting lugar. Sa simula ay dinadalaw niya ako tuwing linggo at bawat pagkikita namin ay puno ng kilik at pangako ng isang magandang kinabukasan.
Hindi ko talaga napansin ang mga warning signs sa kanya. Naging isang bulag ako non. Ang alam ko, green flug talaga siya.
Yun pala ay isa siyang pakwan. Sa labas ay green ngunit sa loob pala ay pula. Ang mga kwento tungkol sa kanya noon ay hindi ko pinansin.
Ang pagiging babaero niya raw at ang mga bulung-bulungan tungkol sa iba't ibang babae na kasama nito sa Maynila ay hindi ko pinaniwalaan. Ang tanging nakikita ko lang ay ang lalaking nagpapakita ng labis na pagmamahal atensyon sa akin. Ngunit hindi ko naman akalain, nasa umpisa lang pala siya magaling.
Pagkalipas ng isang taon, nagpasya kaming magpakasal. Sobrang saya ko non, Miss K. Akala ko natagpuan ko na ang lalaking makakasama ko habang buhay.
Simple lang ang aming kasala. Kakaunti lamang ang mga dumalo halos pamilya namin at pamilya niya. Lumipat kami ng Manila at doon na nanirahan.
Mas convenient kasi kapag doon kami dahil naroon ang trabaho ng asawa ko. Sa pagtungtong ko mismo sa siyudad, punong-puno ako ng pag-asa at pananabik sa aming bagong yugto bilang mag-asawa. Ngunit hindi rin naman nagtagal nang magkaroon kami ng anak, nagsimula ng lumabas ang tunay na kulay ni Lito.
Madalas na siyang umuuwi ng sobrang late at kung minsan pa'y hindi siya umuuwi ng bahay, palagi siyang may dahilan. Nag-o-overtime, may meeting kasama ang mga kliyente at iba pa. Sa simula ay naniwala ako sa kanya lalo pa't alam kong hindi naman niya ako lolokohin.
[nililinis ang lalamunan] Nangako kami na hindi kami magsisinungaling at palaging tapat sa isa't isa. Ngunit habang tumatagal, mas nagiging madalas ang kanyang pagkawala at mas naging kahinah-hinala ang kanyang mga dahilan. Gabi-gabi ay binabagabag ako ng aking paghihinala.
Halos hindi ako makatulog. Kapag wala siya. Ang anak namin ay tulog na sa kwarto.
Ngunit ako naroon pa rin sa sala at hinihintay siya. Minsan nga ay magigising na lamang ako na nakahiga na sa sofa dahil nakatulog na pala ako sa kakahintay sa kanya. Sa totoo lang, Miss K, hindi po ito ang pinangarap kong buhay kapag nagkapamilya na ako.
Ang layo sa pangarap kong tahimik. Isang gabi non, nang tuluyan kong makumpirma ang hinala kong may ibang babae ito. Kakauwi niya lang galing sa trabaho.
Habang hinahanap ko ang kanyang cellphone para sana hiramin dahil hindi ko mahanap ang flashlight, hindi ko sinasadyaang nabuksan ang messenger app niya nang may mag-pop up doon. Naki ang aking mga mata sa aking mga nabasa. May mga text messages mula sa isang babaeng hindi ko kilala.
Mga mensahe na puno ng paglalambing at harutan. May mga I love you at I miss youo din akong nabasa. Kung kaya't napasakit non o napakasakit non sa aking dibdib.
Parang gumuho ang mundo ko ng mas sandaling yon. Kinalma ko ang aking sarili habang hinihintay ko ang aking asawa na kasalukuyang naliligo sa aming banyo. Nang makalabas siya ay agad ko siyang kinpronta.
Hinagis ko ang kanyang cellphone sa kanyang dibdib kung kaya't dali-dali niya itong sinalo. Nagtataka ang kanyang mukha ngunit nang makitang umiiyak ako sa harapan niya ay doon nagbago ang kanyang ekspresyon. Alam kong alam na nito na may nabasa ako sa cellphone niya.
Ipaliwanag mo nga sa akin mga nabasa ko. Sino ang babaeng ka-text mo? Anong karapatan mong lokuhin ako?
wika ko sa kanya habang umaagos ang luha sa aking pisngi. Subalit napailing lamang siya. Naging seryoso ang kanyang mukha at umupo sa kama habang pinupunasan nito ang basang katawan.
Huwag mo akong dramahan ngayon, Nina. Pagod ako sa trabaho. Kailangan ko ring bigyan aliw ang sarili ko.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Bigyan ng aliwo. Hindi ka na binata.
May asawa't anak ka na. Nangako ka saakin na ako lang na hindi ka maghahanap ng iba. Alam mo bang hanggang ngayon may postpartum depression pa rin ako.
Kakapanganak ko pa lang. Ilang buwan pa lang simula nung isinilang ko ang anak natin. Pero ano yang ginagawa mo?
Niloloko mo na agad ako. Kaya pala palagi kang late kung umuwi dahil may ibang babae ka. Rinig ko ang pagtawa nito sa sinabi ko, "Depression.
Isip mo lang yan. Hindi ako naniniwala sa ganyan. Baka nag-iinarte ka lang kasi nalaman mong may babae ako.
Tsaka kahit naman m babae ako, sayo pa rin naman ako umuuwi eh. " Lalaki ako Nina. Simula nung manganak ka, wala ng namagitan sa atin.
Anong gusto mo? Mag-isa kong pupunan ang pangangailangan ko. Hindi ako ganon.
Ano yung katuwiran mo Lito? Tantanan mo ako Nina kung ayaw mong tuluyan ng hindi kita uwian. Natulala ako non Miss K.
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko maatim ang mga sinasabi sa akin ni Lito. Para bang hindi ko siya kilala o talagang hindi ko pa kilala ang asawa ko na nagkamali ako ng lalaking pinili kong makasama habang buhay.
Mula ng mangyari 'yon. Naging madalas na ang aming pag-aaway. Palagi ko siyang pinagsasabihan.
Palagi akong umiiyak at nagmamakaawa na sana'y magbago na siya. Ngunit parang balewala lang sa kanya ang mga luhat pakiusap ko. Nagpatuloy ang aking asawa sa kanyang mga bisyo at mas lalo pa siyang lumayo sa akin.
Minsan ay inu umaga na to ng uwi, masyado akong na-stress sa feeling niya. Sa madaling salita, naging martir ako. Ayoko kasing masira ng ganun lang kabilis ang pagsasama naming dalawa.
Wala pang tatlong taon mula ng kami ikasal. Ayoko namang basta na lamang sumuko pero mali din palang maging martir. Hanggang sa dumating ang kapatid ni Lito na si Carlo.
Si Carlo ay isang seaman at nakabakasyon sa Pinas. Nang dumating siya ay nakiusap siyang pansamantala munang titira sa bahay naming mag-asawa at buong pusong tinanggap naman siya ng aking asawa. Sinabi rin ni Carlos sa amin na may inaasikaso lamang siyang papeles dito sa Maynila para sa kanyang susunod na paglalayag.
Masasabi kong magkaiba ang personalidad ni Carlo at Lito. Kung si Lito ay tama lang ang laki ng katawan, si Carlo naman ay batak na batak sa gym. Mas malaki pa at matangkad kay Glito.
Nasa 28 taong gulang na ang lalaki. Halos dalawang taon din ang pagitan namin sa isa't isa. Si Carlo ay tahimik, maalalahanin at may respeto.
Madalas niya akong tinatanong kung okay lang ba ako at handa rin siyang makinig sa aking mga hinaing. Hindi niya kinonsente ang kanyang kuya dito at siya rin mismo ang nagsabi sa akin na bakit ako nagtitiis dito. Nang mga panahong mag-isa ako sa bahay, dalawa si Lito.
Si Carlo ang naging kasa-kasama ko. Ang aking naging katuwang sa mga gawaing bahay. Ang aking kasama sa habagkainan.
Sa tuwing nagkakaroon kami ng problema na mag-asawa, si Carlo ang madalas kong sandalan. Kinukwento ko sa kanya ang aking mga sama ng loob. Ang aking pagod sa paulit-ulit na pagpapatawad at pagtanggap sa isang taong hindi naman nagbabago.
Si Carlo naman ay palaging nagbibigay ng payo sa akin at nagpapalakas ng aking loob. Isang gabi, nakwento rin niya sa akin na ang kanyang buhay. Hindi ko inasahan na may asawa pala to.
Habang nasa sala ako at nanonood ng isang telesery habang naghihintay kay Lito ay hindi ko inasahan na tatabi sa akin si Carlo. "Hinihintay mo na naman ba si kuya? " tanong niya sa akin.
Tumango ako at mapait siya ginitian. [nililinis ang lalamunan] As usual, late na namang uuwi ang kuya mo. Mas worst pa baka hindi na naman to umuwi.
Rinig ko ang pagbuntong hininga niya ng malalim. Hindi ko na nga alam kung ano ang gagawin ko kay kuya. Isa pa, wala ako sa posisyon na sumali sa awi niyong mag-asawa.
Ayoko rin kasing mangyari ulit yung una naming pagtatalo nung nakaraan. Hanggang ngayon nga hindi pa rin niya ako pinapansin. Hindi na rin siya mapagsabihan.
Kung ako sayo ate Nina hiwalayan mo na siya. Hindi naman sa dinidiktahan ko ang desisyon mo. Malala na rin kasi si Kuya Lito.
Hindi na ako magtatakabal ang araw baka saktan ka pa nito ng pisikal. Ayoko namang umabot ka sa ganon. Naging malapit ka na sa akin pati na si Niro.
Si Niro ang aming anak ni Lito. Palagi rin kasi niyang binabantayan to. Natahimik na lamang ako at malalim na nag-isip.
Hindi ko alam kung ano nga ba ang tamang gawin sa mga oras na iyon. Alam mo ba ate Nina? May asawa na rin ako dalawang taon na rin ang nakararaan.
Pareho ng nararanasan mo rin ngayon. Nagawa rin ako nitong lokohin. Akalain mo 'yun.
Habang nasa barko ako eh may iba pala siyang lalaki. Pag-uwi ko, nalaman ko buntis na. Nagalit ako non.
Pero wala naman na akong magagawa. Andun na eh. Ang ginawa ko, hiniwalayan ko siya.
Tingnan mo ako ngayon. May peace of mind at nagsusumikap na paunlarin ang aking sarili at buhay. Sana balang araw eh magawa mo ring iwan si Kuya Lito at mamuhay n wala siya.
Kahit naman kapatid ko siya, kung mali na ang ginagawa niya, hindi ko siya kukunintihin. Bata ka pa, marami ka pang mararanasan sa buhay mo. Kung natatakot ka na baka hindi mo kayanin ng wala sa buhay mo si kuya, mali ka.
Sa umpisa lang yan. Para saan ba't makaka-move on ka din, umuwi ka sa atin, bumalik ka sa dati. Huwag mong sayangin ang sarili mo kay Kuya Lito sa totoo lang, ang ganda mo kaya.
Mabait pa. Mas nauna nga kitang nakilala kay kuya eh. Dati na kasi kitang nakikita.
Kaya lang nauna siyang manligaw. Matinig talaga sa babae. Sa oras na yon, tumatak sa isipan ko ang sinabi niya sa akin.
At sa paglipas ng mga araw at linggo na magkasama kami sa iisang bubong, hindi ko na malayang nahuhulog na pala ang loob ko kay Carlo. Ang pinapakita niyang kabaitan, ang palagi niyang pag-iintindi sa akin. At higit sa lahat, gabi-gabi rin niya akong sinasamahan na magpuyat.
Alam mo Miss K, sa kanya ko naramdaman ang pagmamahal at pag-aaruga na matagal ko na ring hinahanap sa aking asawa. Alam kong mali ang may maramdaman ako sa bayaw ko. Alam kong kapatid siya ng asawa ko.
Alam kong hindi pa rin sila annald ng asawa niya. Kasal pa rin sila kahit nahiwalay na. Ngunit hindi ko talaga mapigilan ang nararamdaman ko.
Sa tuwing magdidikit ang aming kamay habang nag-aabot ang plato sa pagkainan, sa tuwing magkakatinginan kami ng hindi sinasadya, mayroong kuryenteng dumadaloy sa aming pagitan. hanggang sa isang gabi. Pagkatapos naming maghapunan at si Lito'y hindi pa rin umuuwi.
Nagkwentuhan kami no ni Carlo sa balkonahe habang umiinom ito ng alak. Nagkwentuhan kami tungkol sa buhay niya pati na rin ang sa akin. N gabing yon hindi ko napigilan ang aking sarili.
Umiyak ako sa kanyang harapan. Ibinuhos ko ang lahat ng sakit at pagkabigo na matagal ko ng kinikimkim sa kalooban ko. Hinawakan ni Carlo ang kamay ko.
Dahan-dahang hinaplos ang aking pisngi upang ang mga luha. Niyakap pa niya ako ng mahigpit. Hindi ko na nga yata kaya pa Carlo.
Para ba akong isang kandila nauubos na? Kailangan ko nga ng kalinga, pagmamahal at pag-unawa sa asawa ko, ngunit paano ko naman yun mararamdaman. Alam kong nasa kanlungan siya ng iba.
Napakatanga ko. Gusto kong mawala 'yung nararamdaman ko. Pero baka hindi ko kayanin, parang hindi ko kaya na tuluyan kaming maghiwalay.
Sabi ko sa kanya habang mahigpit na nakayakap sa malaki nitong katawan. Hayaan mo ate Nina. Sabi ko naman sa'yo iwanan mo na kasi siya eh.
Hindi nagmumukha kang tanga. Hindi mo na makita ang halaga mo. Sa ganda mong yan nagtattiyaga ka sa kapatid ko.
Hawak nga na mas gwapo ko sa kanya eh. Ewan ko ba naman kasi sa'yo Nina. Ano ba kasing nakita mo sa kanya?
Sa totoo lang kung nakauwi lang siguro agad ako non then nauna sana kitang niligawan. Baliw! Nagsasabi lang ako ng totoo.
Lasing ka lang kaya mo nasabi yan. Hindi pa ako lasing. Hinawakan nito ang aking kamay.
Sayang ka kung sisirain mo lang ang buhay mo sa katulad ng asawa mo. Marami ka pang makikilala na mas babagay sa'yo at makikita ang halaga mo. Hindi nauso ang martir ngayon Nina.
Kung nagagawa ng lalaki, kaya na ng babae. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi nito. Biglang tumibok ng malakas ang aking puso dahil sa pagkakadaiti ng aming mga balat.
Sa ilang taon naming pagsasama ni Lo, ngayon na lang din ako nakaramdam ng ganito. Ngayon na lang ulit, may lalaking nagsabi na maganda ako't may halaga. Bigla akong nakaramdam ng init non.
Init na tanging si Carlo lang ang magpapawala. Tutal niloloko ka rin naman ni kuya. Bakit hindi mo gawin sa kanya?
Hindi ba sumagi sa isip mo ang paghihigante? Nandito naman ako. Pwede mo akong gawing kasangkapan mo para makaganti ka naman sa kanya.
Alam kong nakainom si Carlo ng mga oras na yon. Kaya niya lang nasasabi ang bagay na ito. Ngunit para na rin akong nalasing sa mga sinasabi nito.
Kaya't ng mga sandaling yon, hindi na ako nag-isip pa ng kung anu-ano. Agad ko siyang hinalikan sa labi niya. Misky bagay na agad naman niyang tinugunan.
Para akong nakalutang sa ere ng mga oras na iyon. Isang halik na puno ng pangungulila, pag-unawa at pagmamahal. Alam naming pareho na mali ang nangyayari.
Ngunit sa mga sandaling yon, ang tanging mahalaga lang ay ang init ng aming mga katawan at ang tibok ng aming mga puso. Mula sa balkonahe, napadpad kami sa kusina at ang lugar na iyon ang naging saksi sa una naming pagkakasala. Hindi ko naman akalain na mapapaiyak nga naman ako dito dahil ni hamak naman na mas lamang siya sa kuya niya.
Dahil si Lito ang unang lalaki sa buhay ko, ngayon ko pa lang maikukumpara siya sa iba. Ang lakas nga naman ng loob niyang maging babaero. Gayong wala naman pala siyang binatbat sa kanyang kapatid.
Hanggang sa tuluyan na ngang may nangyari sa amin ni Carlo. Mula noon, nagpatuloy po ang aming lihim na relasyon habang nasa bahay pa namin siya. Sa mga panahong wala ang asawa ko, kami ni Carlo ang magkasama.
Nag-uusap, nagtatawanan at naging asawa ko pagdating sa kama. Para kaming isang mag-asawang kakagaling lang sa kasal. Halos lahat ng parte ng bahay ay ginawa na namin yon kahit nga sa pagkainan.
Habang nagluluto ako ng aming hapunan pati na sa pagliliko ko. Sa kanya ko natagpuan ang isang kaibigan at mapagmahal na asawa. Ang mga araw na kasama siya ay parang isang panaginip sa gitna ng aking mapait na realidad.
Ngunit alam kong hindi ito maaaring magpatuloy. Alam kong masasaktan ang maraming tao kapag nalaman nila ang aming lihim. Alam kong huhusgahan nila ako.
Nakakahiya dahil sigurado ako na ako pa ang magiging mali kapag may nakaalam ng relasyon namin ni Carlo. Kahit ba sabihing niloloko ako ng asawa ko matagal ng panahon ay masahol pa ang nagawa ko. Niloko ko siya.
at kapatid pa niya ang lalaki ko. Kung maibabalik ko lang sana ang panahon, sana'y si Carlo na lang ang nakilala ko at hindi si Lito. Sana pala'y nag-antay pa ako ng ilang buwan.
Baka sakaling sa pagbaba nito ng barko ay magkakilala kami. Pero nangyari na. Wala na akong magagawa.
Sa mga lumipas na araw ay hindi ko na napansin ang pag-uwi ng late ng asawa ko at ang pambababae niya. Natuon ang pansin ko sa samahan naming dalawa ni Carlo. Ngunit dumating rin ang araw ng kanyang pag-alis.
Sobrang lungkot ko. Para akong bumalik sa dati. Sobrang nasaktan ako.
Nasa silid kaming dalawa non dahil pinapatulog ko ang aking anak. Matagal naman na niyang sinabi na aalis na siya sa araw na ito. Pero nakakalungkot pa rin pala.
Sa kanyang huling yakap, sinabi niya sa akin na gusto niya ako at sinabi niyang kayanin kong iwan si Lito para sa aking sarili. Umalis na raw ako sa poder ng asawa ko dahil mas mapapanatag pa siya. Kung nasa sarili kong pamili ako, huwag ko raw pang hinayangan ang mga katulad ng kuya niya.
Pag-alis ni Carlo, bumalik ako sa aking dating buhay. Patuloy pa rin naman si Lito sa kanyang pambababae at mas lumala pa nga siya. Parang wala na siyang pakialam sa aming relasyon.
Madalas na siyang hindi umuuwi at kapag nandito naman siya parang wala akong katabi sa kama. Isang araw non nang may tumawag sa akin babae. Nagpakilala siyang si Joan.
Katrabaho daw siya ni Lito at alam ko naman ang pakay nito dahil alam kong siya ang babae ng mister ko. Sinabi niya sa akin na buntis siya at ang asawa ko ang ama. Parang binuhusan ako ng Miss K ng malamig na tubig.
Kahit alam kong may babae ang asawa ko, masakit pa rin palang marinig ang katotohanang nabuntis pa niya ang babae niya. Lahat ng sakit, galit at pagkabigo ko ng matagal na panahon na kinikimkim ko ay tila ba sumabog na. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko.
Sa huling pagkakataon pa, hinintay ko si Lito na umuwi. Gusto kong i-confirm kung totoo nga ba yun. Gusto ko pa ring magpaliwanag siya.
Ngunit lumipas ang ilang araw, linggo ay wala akong nakitang lito na pumasok sa bahay. Ni Anino ay hindi ko man lang nakita sa kanya. Tawag ako ng tawag ngunit hindi ko na siya ma-contact hanggang sa ako na lang ang sumuko.
Alam kong dumating na ang kinakatakutan ko ang iwanan niya kaming mag-ina. Hanggang sa napagpasyahan kong mag-impakin ang aming mga gamit. at umalis na sa bahay na minsan kong pinangarap.
Bumalik ako sa aking pamilya sa probinsya dala ang isang mapait na karanasan at ang aking pusong sugatan. Hindi ko sinabi kay Lito ang tungkol sa amin ng kanyang kapatid. Hindi ko na rin kinausap si Carlo pagkatapos niyang umalis.
Ang tanging gusto ko lang non ay ang makalayo sa lahat ng sakit at gulo. Ayoko na ring magkaroon kami ulit ng komunikasyon ni Carlo dahil kahit na anong gawin namin ay mali ang namagitan sa aming dalawa. Kung magkakaroon pa man ng pagkakataon, kung kaming dalawa talaga, tadhan na lamang ang bahala.
Pagkalipas ng ilang buwan, nalaman ko mula sa aking mga magulang na pinabili na pala ni Lito o ipinagbili na pala ni Lito ang aming bahay doon. Hindi ko na rin inalam kung saan siya nakatira. Ni wala akong nakuhang eksplanasyon na hindi na rin nga nito nagawang kitain o kumustahin ang sarili niyang anak.
Doon ako mas lalong nasaktan. [musika] Mabuti na lamang at mababait ang aking mabyanan. Katulad din ni Carlo na hindi kinonsinte si Lito.
Nagalit sila ng malaman nila ang lahat ng ginawa ng anak nila. At dahil mas pinili ni Lito na manirahan kasama si Joan at ang kanilang magiging anak ay tuluyan ko n itinatak sa isipan kong wala na akong asawa at wala ng ama ang aking anak simula ngayon. Ngayon ay mag-isa kong binubuo ang aking sarili.
Tama nga ang sabi ni Carlo dahil nagkaroon ako ng peace of mind. Tama siya. Hindi ko kailangan ang asawa ko.
Natakot lang akong maiwan pero ang totoo pala kaya ko. Ang pagtatapat ko na ito ay hindi para humingi ng awa o pangunawa sa inyo. Ito ay isang pag-amin sa aking pagkakamali, sa aking kahinaan at sa aking mga desisyon na padalos-dalos.
Naway ang aking kwento ay magsilbing babala sa iba. Nawagayaang manaig ang tukso at huwag mag-settle sa isang lalaking kaya kang lokuhin at saktan. Mali ang pagiging martir.
Mali din ang maghiganti. At higit sa lahat, mahalin mo muna ang sarili mo dahil sa huli ikaw pa rin naman ang bubuo sa iyong sarili. Sa ngayon ay wala na akong balita kay Carlo.
Ngunit sa oras na dumating siya, alam ko na ang desisyon ko. Alam kong mahirap dahil napamahal ako sa kanya. Pero kapag sinunod ko ang puso ko ay baka mas lalo lamang lalala ang lahat.
Hanggang dito na lamang poiski ang aking kwento. Maraming salamat po sa pakikinig. M.