ang pakikiisa at pagsunod ni Jose sa dakilang plano ng Diyos sa kabila ng mga balakid at panganib ay naging daan upang matupad ang sinabi sa aklat ng mga propeta tungkol sa messias [Musika] ang mabuting balita ng panginoon ayon kay San Mateo ito ang naganap ng ipanganak si jesukristo si Maria na kanyang ina at si Jose ay Nakatakda ng magpakasal ngunit bago sila makasal nagdadalang tao na si maria sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo subalit dahil isang matuwid na tao si Jose na kanyang mapapangasawa at ayaw nitong malagay sa kahihiyan si Maria binalak niyang hiwalayan
si Maria ng palihim ngunit habang pinag-iisipan ito ni Jose nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng panginoon sinabi nito sa kanya Jose anak ni David Hwag kang matakot na pakasalan si Maria sapagkat ang sanggol na dinadala niya ay mula sa Espiritu Santo magsisilang siya ng isang batang lalaki at Hesus ang pangalan mo sa sanggol sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan Nangyari nga ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta maglilihi ang isang Birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin itong Emmanuel
ang kahulugan nito'y kasama natin ang Diyos nang magising si Jose sinunod niya ang utos ng anghel ng Panginoon at pinakasalan niya si Maria ang mabuting balita ng panginoon of what God has to [Musika] say mapagpalang araw po sa inyong lahat Kumusta po kayo ang atin pong word of the day ay obedience tayo ay nasa ikatlong araw na ng ating Misa de gal o Misa aginaldo bilang paghahanda natin sa araw ng kapaskuhan at dinadala tayo ng ating ebanghelyo ngayong araw na ito sa pagtalima at pagsunod ni San Jose sa dakilang plano ng Diyos at narinig natin
ang kwento kung paanong ang panginoong Hesus ay ipinanganak at napakahalaga ng naging tungkulin gampanin ni San Jose sa plano ng Diyos na ito kahapon narinig natin yung Tala ang kanan ni Hesus at narinig natin yung mga pangalan at bawat pangalan sinasabi na si ganito ang ama ni ganito pero sa kadulu-duluhan kakaiba pagdating kay jose sinabi doon na si jose ang asawa ni Maria Bakit hindi binanggit na si jose ang ama ni Hesus Hindi po Ba't masyadong mysterious o kaya naman ay masyadong intriguing May issue mga kapatid Kaya nga isinunod agad ni San Mateo itong kwento
kung paanong si Hesus ay ipinanganak at maunawan natin kung bakit ganoon ang lenggwahe ni San Mateo doon sa kahapong gospel binabanggit na si ganito ang ama ni ganito ang ama ni ganito ang ama ni ganito pagdating kay San Jose si Jose na asawa ni Maria na hes parang naba po ba At ito sa gospel natin ngayon ay ipaunawa sa atin ni San Mateo na si hes ay hindi directly na anak ni Jose iniba ng Diyos ang plano Kaya nga si Jose may mga plano sa buhay even aw at pumasok sa kwento naiiba iba yung plano
ng Diyos iba yung plano natin at kung ating makikita at maunawaan yung ating plano at ang plano ng Diyos Sana maunawaan natin na higit na mahalaga at mas mataas ang plano ng Diyos kaysa sa plano natin at ito yung itinuturo sa atin ni San Jose na kapag naunawaan natin ang plano ng Diyos napakahalaga na i-set aside natin yung sarili nating mga plano at pangarap sa buhay at matuto tayong tumalima matuto tayong sumunod sa plano ng Diyos How many times na yung plano natin ang gusto nating masunod pero kahit na ito yung plano natin kapag ang
Diyos ay gumalaw at Hinayaan nating gumalaw siya sa buhay natin iibahin ng Diyos ang plano mo kaya minsan nun tayo nagkakaroon ng pagtatalo sa kalooban kung alin ang susundin at si San Jose ay isang halimbawa para sa ating lahat ng pagtitiwala at pagsunod sa kalooban ng Diyos na kapag ka nagtiwala at sumunod tayo sa kalooban ng Diyos everything will be fine everything will be okay at lahat ay magdudulot ng hindi lang Personal na kabutihan kundi ikabubuti ng karamihan ng lahat kaya nga mga kapatid dito sa ating gospel nagkaroon ng katuparan ng plano ng Diyos na
ang tagapagligtas ang messias ay manggagaling sa linya ni David at ang paghahari niya'y Walang Hanggan ito ang sinasabi ng ng propeta at sa pamamagitan ng pagsasabi ni San Jose ng oo hindi lang si Maria ang may fiat kundi maging si San Jose ay nagsabi ng Oo sa kalooban ng Diyos ng pagkagising niya sa kaniang panaginip ay pinakasalan niya si Maria yung Yes na yon ni Jose kay Maria ay yes ni Jose sa Diyos na handa siyang tupdin ang kalooban ng Diyos at ang kalooban ng Diyos para kay Maria para sa kanila Kaya nga makita natin
that the obedience of Joseph dinala tayo sa kaganapan ng plano ng Diyos ng kaligtasan Alam niyo napakahalaga po nito na matutunan natin ito sa ating buhay kasi kung ating palaging pakikinggan at susundin ang kalooban ng Diyos palaging magiging salvific yung ating mga desisyon dadalhin tayo sa kalooban ng Diyos sa kagustuhan ng Diyos at Kapag tayo ay tumatalima sa kalooban ng Diyos Walang talo do palaging panalo we will win and we will Triumph because this is the plan of God Kaya nga mga kapatid sa pangaraw-araw nating buhay pagkagising natin sa umaga pagtulog tayo sa gabi mahalaga
tanungin natin Lord Ano ang plano mo sa maghapon sa araw na ito Ano ang gusto mong gawin ko atul sabi Lord natupad ko ba ang iyong kalooban Sana bigyan mo ako ng panibagong pagkakataon bukas na tupdin kung ano ang kalooban mo mga kapatid tulad ni San Jose tayo nawa ay matutong makinig at sumunod sa kalooban ng Diyos Ibahin mo ng Diyos ang plano natin ang buhay natin Hwag tayong manghinayang Dahil kapag sinunod natin ang kalooban ng Diyos sigurado Panalo tayo Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo Amen ama naming Diyos tulungan
mo kaming tumalima at sumunod sa iyong kalooban katulad ni San Jose na maging kagalakan namin araw-araw ang tupdin kung ano ang nais mo sa amin Amen ppal po kay ingatan makapangyarihang Diyos Ama Anak at Espiritu Santo Amen [Musika] mag-like follow at subscribe sa word of the day para sa inyong pangaraw-araw na inspirasyon inaanyayahan ko po kayong i-like ang aking Facebook page at mag-subscribe sa aking YouTube channel na word of the day samahan ninyo ako sa araw-araw na pagninilay ng ibang upang mapalalim ang ating pananampalataya at magkaroon ng gabay sa Bawat hakbang ng ating buhay arawaraw
kaya po Hwag kalimutang mag-follow at mag-subscribe upang manatiling updated sa ating pangaraw-araw na pagninilay maraming salamat po at naulo tayong Pagpalain ng Diyos