Nagliab ang bahagi ng isang landfill sa Rodriguez Rizal at lumikan ang matinding usok na umaabot na ngayon sa ilang bahagi ng Quezon City. Live mula sa Rodriguez Rizal, nakatutok si Darl Darl. Emil bumuhos yung malakas na ulan kani-kanina lang pero hindi pa rin tuluyang naapula yung sunog sa isang landfield dito sa Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal.
Matindi yung naging uso kaya lumikas yung ilang residente papunta dito sa evacuation center ng barangay. Sa tindi ng sunog sa isang landfill sa Barangay San Isidro Rodriguez Rizal, tanaw ito mula sa malayo ng kumukuha ng videong ito. 1:00 ng hapon kahapon pa nagsimula ang sunog sa tapunan ng basura pero hindi pa rin naaapula hanggang kanina.
Ayon sa Bure of Fire Protection Rodriguez Rizal, mabilis kumalat ang apoy at pahirapan ang pag-apula dahil maraming basura ang nasusunog. Yun pong nature po kasi nito ay ang apoy po karaniwan dahil landfield. Nanggagaling po ito sa ilalim.
Mhm. Kaya po ang ginagawa po natin dito na ah isang minsang pagula ay humuhubay po tayo ng lupa gamit 'yung mga heavy equipment tulad po ng boo at ng bulldozer at itinatabon po natin doun sa mga area na mayroong mga apoy o mga pag-usok. Sa imbestigasyon lumalabas na pahirapang apulahin ang apoy dahil sa methane.
Isang uri ng gas na nabuo mula sa nabubulok na basura. Ang inisyal na pagliliyab naman isa sa posibleng mitsa ang sobrang init ng panahon. Pagka talaga masyadong mainit ang panahon, nagiging nagiging ah ano din factor din ng ah pagkasunog ng landfield.
Ah malaking factors po talaga na ah sa tayo po sa panahon ngayon ay dumaranas ng ah masyadong matinding init kaya nakakaapekto po talaga ito na nagkakaroon po tayo ng mga rabbish fires. Mhm. Hindi pa man ay hindi naman po natin isinasara na don lamang ang maging ang naging cause kaya po ah patuloy pa rin po na iniimbestigahan ng BFP Rodriguez ang ah origin ng sunog.
Bagam't hindi pa fire out o patuloy pang inaapula idineklara na itong fire under control. Ibig sabihin wala ng bantang kumalat o lumabas pa sa landfill. Dahil sa tindi ng sunog ay lumikas muna ang 24 na pamilyang nakatira malapit sa Landfill.
Naka-face mask ang ilan sa kanila habang ang iba ay nagtakip ng ilong dahil sa kapal ng usok. 87 silang nasa evacuation center muna ng Barangay San Isidro kabilang ang ilang senior citizen, buntis at maliliit na bata. Kusa lang po kaming umalis kasi mausok.
Masyado ng makapal yung usok galing sa ano eh Runfill eh. Eh lalo't may ano may ubo yung anak ko. Kaya nag-aalala rin ako na baka lumala.
Kinakailangan po siguraduhin muna namin yung area bago namin pala ibalik yung o payagan yung mga evacuation na bumalik po sa kani-kanilang bahay. Maging sa Quezon City umabot ang epekto ng sunog sa Rodriguez. Ayon sa city hall, mula 8:00 ng umaga kahapon hanggang 8:00 kaninang umaga ay very unhealthy ang air quality index sa ilang lugar sa hilagan ng Quezon City gaya sa bahagi ng Novaliches, Lagro at Payatas.
Kaya hanggang maaari ay iwasan daw muna nilang lumabas. Unhealthy o hindi naman ligtas para sa ilang kabilang sa sensitibong grupo ang hangin sa ilang lugar sa Sauyo, ibaang bahagi ng Payatas, Mindanao Avenue at Tandang Sora. Pinapayuhan ang mga may respiratory disease tulad ng hika sa mga nabanggit na lugar na iwasang lumabas.
Kaya hindi muna pinapalabas ni AJ ang kanyang mga anak. May hika po yung sa bunso po. Mm.
Kaya syempre iingatan mo siya na ano hindi siya makalanghap ng ano ng usok. Hindi ko lang po talaga pinalabas magkaroon ng marapat na uh pag-iwas muna sa mga lugar pang publikong lugar at maiwasan at kailangang magsuot ng mask at magmo-monitor naman po ang ating QC dream o at ang CCESB sa mga susunod na oras na ang next advisory po namin is 8 a. m.
Emily, sinisika pa naming hinga ng statement o pahayag yung management ng landfill. Kanina pumunta kami roon pero hindi kami pinapasok at wala ring lumabas para magbigay ng panayam. Pero sabi naman ng BFP nakikipagtulungan naman daw sa kanila yung may-ari ng landfill.
Samantala, nagpalabas o naglabas ng ah statement yung Rodriguez LGU, makikipag-ugnayan daw sila sa DNR para sa isang air quality testing. Pero sa ngayon, maigi raw na mag-ingat, iwasang lumabas ng bahay at kung lalabas ay magsuot ng face mask. Gaya ng suot ko ngayon, yan ang latest mula rito sa Rodriguez Rizal.
Balik sayo Emil. Maraming salamat Darl Kai.